MANILA, Philippines - Naibebenta pa rin sa mga retail shops sa Maynila at Quezon City ang mga produktong pampapaputi na may mercury kahit na ipagbawal ng Food and Drugs Administration (FDA) sa merkado.
Ayon sa environmentalist group na Ecowaste Coalition, ang mga whitening products na ito ay may taglay na mercury na nagpapahinto sa production ng melanin na siyang tumutulong sa pagiging normal ng kulay ng ating balat.
Ang mga produktong ito ay mula sa Amerika, China, Japan at Taiwan ay karaniwang naibebenta sa mga Chinese drugstore sa nabanggit na lugar.
Ayon sa grupo, sa 12 whitening products na kanilang nasuri, siyam dito ay matagal ng ban na ibenta at ang tatlo ay walang accreditation mula sa FDA para ibenta. Ang mga whitening products na ito umano ay may mataas na level ng mercury na 51,000 parts per million na kalimitang naibebenta sa mga Chinese drugstores sa halagang P80 hanggang P200 partikular.
“Consumers should be cautious of deceptive claims as some cosmetics that promise flawless and lighter skin tone contain undisclosed amounts of toxic mercury, which can damage the kidneys and the skin itself.” Pahayag ni Aileen Lucero, coordinator ng Ecowaste.
Ang ilan sa mga whitening cream na may mercury ay ang BG Sea Pearl at Papaya Natural Essence 6 days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream; BG Ginseng at Ganoderma Lucidum 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream, Yudantang Ginseng at Green Cucumber 10 Days Whitening Speckles Removed Essence, Feique Herbal Extract Whitening Anti-Freckle Set,Erna Whitening Cream,Yinni Green Tea Quickacting Whitener at Speckle Remover Package gayundin ang Jiaoli Miraculous Cream, S’zitang ,Bai Li Tou Hong, Jiaoli 7 Days Specific Eliminating Freckle AB Set, Sanli Eliminating Freckle Cream at Gakadi.
Pinayuhan ng naturang grupo ang publiko na huwag nang tangkilikin ang mga mumurahing pampapaputi dahil sa halip na makatulong ito na magpaganda ay maaari nitong maipahamak ang kalusugan ng mga gagamit nito.