Lalaki hulog sa bubong, lasog

MANILA, Philippines - Lasog ang isang lalaki matapos mahulog mula sa bubungan ng isang pabrika sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay nang dalhin  sa Quezon City General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Jayson Beleber, 30,  ng Kagitingan St., Tondo, Manila.

Base sa ulat na naka­rating sa tanggapan ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente alas-4:00 ng hapon habang ang bik­tima ay nasa bubungan ng Malinta Corrugated Box Manufacturing Corporation sa Libis, Baesa ng naturang siyudad nang bigla itong madulas dahilan upang mahulog na una ang ulo na tumama sa sementadong sahig.

 

Show comments