Aircraft mechanic, tinamaan ng kidlat sa NAIA, kritikal

MANILA, Philippines - Isang  aircraft mechanic  ang nasa kritikal na kondisyon  matapos tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3,  Pasay City.

Dahil sa tinamong 2nd degree burn sa mukha at katawan, ginagamot nga­yon sa Makati Medical Center si  Sheldon­  Balang, 25, nakatalaga sa Domestic  Aviation  Partnership  Philippines Corporation at naninirahan sa Block 107,  Lot 18, Kalinisan St.,  Ca­inta Rizal.

Ayon kay Chief Insp. Angelio De Juan, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, na­ganap ang insidente alas-7:55 ng gabi  sa Bay 109 Tarmac Terminal 3,  Domestic Road  Pasay City.

Inaalalayan ng biktima ang  Cebu Pacific Airlines habang umaatras ito  sa kasagsagan ng malakas na ulan nang biglang kumidlat at tamaan ang buntot ng eroplano hanggang sa dumaloy ang kuryente sa headset na suot ng biktima na naka-plug sa eroplano kayat ito ay nakuryente.

Show comments