MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na may mga saksak sa katawang at bakas ng pananakal sa leeg saka isinilid sa isang balikbayan box ang natagpuan sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Ang kahon ay natagpuan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod matapos itapon sa Brgy. Sto. Domingo, ganap na alas-10 ng gabi.
Inilarawan ang biktima na may taas na 5’3”, nasa pagitan ng 40 hanggang 45-anyos, mahaba na kulot ang buhok, nakasuot ng puting sando at checkered na shorts. May tattoo din itong dragon sa kaliwang balikat at pangalang “Cholo Villarin” sa likod.
Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, imbestigador, ang kahon ay itinapon sa may panulukan ng Tirad Pass at Biak na Bato Streets. Bukod sa tinamong mga sugat, iginapos din ang kamay at paa nito.