2 barangay sa Marikina mawawalan ng tubig

MANILA, Philippines - Mawawalan ng tubig simula ngayong Lunes ng gabi hanggang Martes ng umaga ang mga Ba­rangay Nangka at Parang sa Marikina City.

Ayon sa water concessionaire na Manila Water­,  ang water service interruption sa mga naturang barangay ay bunsod nang maintenance work na isinasagawa sa pa­nulukan ng Notre Dame at Ermin­ Garcia Streets.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng Manila Water sa mga residente ng apektadong barangay na mag-imbak ng sapat na tubig upang magamit nila sa panahon ng pangangailangan.

Nilinaw rin nito na ang naturang aktibidad ay para sa ikagaganda ng kanilang serbisyo.

Show comments