Kelot utas sa tomboy

Pinagbabaril hanggang sa mapatay si Michael Dickey ng isa umanong tomboy malapit sa kanilang bahay sa Port Area, Manila.(Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Utas sa dalawang bala sa pisngi ang isang 42-anyos na kelot nang barilin umano  ng kakilalang tomboy  sa Port Area, Maynila  kahapon ng madaling-araw.

Bago umano tuluyang malagutan ng hininga, nasabi pa ng biktimang si Michael Dickey,  ng Baseco Compound Port Area, Manila kung sino ang bumaril sa kaniya.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jerlyn, 29, nang ya­kapin umano niya ang naghihingalong kuya ay nagsalita pa ito ng “Bhe, binaril ako ni Nani Tomboy”.

Dahil dito, tinutugis na ng pulisya ang sinasabing tomboy  na residente rin sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong ala-1:00 ng madaling- araw, nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril si Jerlyn kaya dumungaw siya sa bintana upang alamin kung saan nagmula ang putok.

Nakita niya ang kaniyang kuya na  duguan kaya agad niya itong nilapitan. Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

 

Show comments