MANILA, Philippines - Nagharap ng panukalang ordinansa ang isang konsehal sa Quezon City para ma-regulate ang pagbebenta ng silver cleaner na may sangkap na cyanide sa merkado sa lungsod.
“Ang silver cleaner na may cyanide ay ibinebenta sa retail outlets na panganib sa kalusugan at maging sa komunidad, idagdag pa ang maraming insidente ng kamatayan dahil sa hindi tamang paggamit o pag-iimbak nito,” pahayag ni First District Councilor Dorothy Delarmente sa kanyang panukala.
Idinagdag pa ng konsehal na may urgent need para ito maipagbawal o ma ban ang pagbebenta ng silver cleaner na nagtataglay ng cyanide sa retail outlets.
Sa kanyang panukala, sinabi ni Delarmente ang pangangailangan para maipagbawal ang pagbebenta nito sa lahat ng tindahan sa lungsod maliban na lamang kung inawtorisa ang mga ito ng local government.
Ang mga pahihintulutang magbenta ay kailangan naman na ma-maintain sa registry ang pangalan, tirahan at hanapan ang mga bibili ng ID.
Sa kanyang panukala, ang sinumang lalabag sakaling maaprubahan ang panukalang ordinansa ay pagmumultahin na may kaakibat na pagkakulong at kanselasyon ng kanilang business permit.