MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang tatlong magpipinsan nang pagbabarilin ng isang lolo na kaÂnilang kapitbahay hinggil, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang biktima na si Uldarico Badigue, karpintero; Virgilio Bandigue, 21, at si Renato Daloc, 23.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Miguel Bisnar Sr., 63, miyembro ng Lupon ng Barangay 165 Zone 18 at kapitbahay ng mga biktima.
Base sa report na natangÂgap ni Chief Inspector Angelito de Juan, hepe ng Station InÂvesÂtiÂgation and Detective MaÂnagement Section ng Pasay City Police, naganap ang inÂsiÂdente alas-11:40 ng gabi sa harapan ng bahay ng mga biktima sa S. de Guzman St., ng naturang lungsod.
Kasalukuyan umanong nagpapagawa ng extension ng kanilang bahay ang mga biktima nang mapansin ng suspek na natatakpan ang kanilang bintana kaya’t kanyang sinita ang tatlo.
Sa ginawang pagsita ng suspek ay hindi ito nagustuhan ng mga biktima hanggang sa magtalo ang mga ito.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay biglang pumasok sa loob ng bahay ang suspek at kinuha ang kanyang baril at saka pinagbabaril ang magpiÂpinsan.
Bumulagta ang mga biktima dahilan upang dalhin ang mga ito ng kanilang mga kaÂanak sa naturang paÂgamutan habang ang suspek naman ay mabilis na tumakas.