Top 10 Manilans pararangalan ngayon

MANILA, Philippines - Natakdang gawaran ng parangal nga­yong gabi ng lungsod ng Maynila ang Top 10 Manilans bilang ba­hagi ng pag­­­diriwang ng ika-443 taong Araw ng Maynila na gaganapin sa Tent City ng Manila Hotel.

Pangungunahan nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng para­ngal sa mga natata­nging tao na naka­tulong ng malaki hindi lamang sa Maynila kundi sa  bansa.

Kabilang dito sina Hon. Justice Jhosef Lopez, Court of Appeals; Rudy Sar­miento, ASEAN Paragames Me­da­list; Ms. Lulu Coching, Painter/Portraitist; Dr. Alfonso Uy, Presidente ng Phil. Chinese Chamber of Commerce; Hon. Danilo Lacuna at Hon. James Barbers, kapwa dating Ma­nila Vice Mayor; Dr. Nona Ricafort, Board Secretary ng Phil. Red Cross, Ma­nila chapter; Dr. Fiorello Estuar, da­ting DPWH Sec­retary; Hon. Ramon Bagatsing, Posthumous-dating Manila Mayor at Mr. German Moreno, Producer/TV and Radio host.

Ang Gawad Gat Andres Bonifacio naman ay para­ngal para kay dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

 

Show comments