Scholarship sa mga private universities, colleges hiling

MANILA, Philippines - Limang slot ng scholar­ship sa bawat private universities at colleges na nasa lungsod ng Maynila.

Ito naman ang  naka­saad sa resolution na inihain ni Manila 4th District Councilor Don Juan Bagatsing na pumasa sa unang pagbasa sa City Council noong Hunyo 17.

Ayon kay Bagatsing, la­yon ng  kanyang resolusyon na hikayatin ang mga private universities at colleges na tulungan ang lungsod ng Maynila sa pagbibigay­ ng scholarship sa mga ma­­ta­­talinong estudyante subalit­ walang kakaya­hang­­­ makapag-aral sa mga ma­mahaling unibersidad.

Tinaguriang University Belt, sa lungsod matatagpuan ang magaganda at magagaling na  kolehiyo.

Aniya, maraming mata­talinong taga Maynila ang  kapos na makapag-aral sa kolehiyo kaya’t ito na ang pagkakataon ng mga private universities na suportahan ang mga kuwalipikadong es­tud­yante na nagtapos sa public­ high school sa lungsod.

Show comments