MANILA, Philippines - Sanhi ng kahirapan, nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili ang isang 49-anyos na sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila.
Hinihinalang may isa hanggang dalawang oras nang nakabitin ang biktimang si Felix Yu, ng Alvarado Extn., sa Tondo nang ito ay matagpuan dakong ala-1:30 ng hapon sa loob ng kanilang kuwarto.
Ayon sa kinakasama ng biktima na si Grace Catamora malimit umanong idinadaing ng una ang kakapusan sa pananalapi para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Napag-alaman pa kay Catamora na madalas din umanong nababanggit ng biktima ang planong pagpapakamatay dahil hindi na umano nito makayanan ang hirap at problema sa pinansiyal.