Abu Sayyaf kumander tiklo sa P'que

MANILA, Philippines – Nasakote ng mga awtoridad ang isang hinihinalang kumander ng Abu Sayyaf sa Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Kair Buntos na may warrant of arrest para sa kasong multiple murder at frustrated murder.

Nadakip si Buntos ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa kalye ng Bonifacio sa Barangay San Dionisio sa Parañaque City.

May P1.2 milyon na patong sa ulo ang kumander ng rebeldeng grupo.

Pinaniniwalaang si Buntos din ang financier ng Abu Sayyaf na tumatanggap ng pondo mula sa international terrorist group na Al Qaeda.

Nakakulong na noong 2007 si Buntos ngunit nakalabas matapos tulungang makatakas ng kanyang mga kasahama sa Kidapawan, North Cotabato.

Show comments