16 sugatan sa bus vs bus sa QC

File Photo

MANILA, Philippines - Labing-anim katao ang nasaktan matapos banggain ng isang pampasaherong bus ang isa pang bus sa lungsod ng Quezon ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, sumalpok ang Nova Auto Transport bus sa likuran ng Fermina Express bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nasa second lane ang Fermina bus nang banggain siya ng humaharurot na Nova bus sa kabila ng ipinatutupad na 60 kilometer per hour na speed limit.

Lahat ng nasaktang biyahero ay pawang mga sakay ng Nova bus.

Kaagad isinugod sa East Avenue Medical Center ang mga biktima.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.

Show comments