Bangkay ng kelot, naagnas

MANILA, Philippines - Kung hindi pa nangamoy ay hindi pa mata­tagpuan ang naagnas na bangkay ng lalaki sa loob ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Allan Niño Manalansan, 31, may-asawa ng no. 52, Sta Maria St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Joel Gagaza, ang biktima ay natuklasan  sa loob mismo ng kanyang bahay, alas 3 ng hapon.

Nauna rito, sabi ng testigong si Loraine Cruz, dadalhan sana niya ng pagkain ang biktima nang makalanghap siya ng masangsang na amoy na nagmumula sa loob ng bahay nito.

Ilang ulit na kinatok ni Cruz ang pinto, pero hindi tumutugon ang biktima, dahilan para tawagin na ang tatay nitong si Mang Benedicto at puwersahang buksan ang pinto hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay ng huli.

Sa pagsisiyasat ng otoridad, wala namang nakitang sugat sa katawan nito maliban sa naagnas na ito.

 

Show comments