MANILA, Philippines - Isang siyam na buwang sanggol ang natagpuang nakalutang sa ilog na dugÂtungan ng Manila Bay at Pasig River, sa bahagi ng Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Bloated o namamaga na ang bangkay ng sanggol na lalaki, na natagpuan umano ng mga batang naÂngangalakal ng basura sa nasabing ilog na bahagi ng Barangay 105, Sitio DaÂmayan, Ulingan sa Vitas, Tondo, sakop ng District 1.
Wala namang naiulat sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD) hinggil sa nasabing sanggol na pinaniniwalaang may dalawang araw nang patay at pinabayaan lamang na nakalagay sa isang binaklas na drawer mula sa aparador, na yari sa kahoy at tinakpan lamang ng mga yero at sako upang hindi kainin ng mga nagkalat na aso o iba pang hayup.
Ayon sa isang freelance photographer, aksidente lamang niyang natuklasan at nakunan ng litrato ang bangkay ng sanggol.
Sa kanyang pagtatanong, alas-3:00 pa umano ng hapon noong Huwebes nang maÂtagpuan ng mga batang naÂngangalakal ang bangkay ng sanggol. Inakala pa umano ng mga bata na isang manika ang kanilang natagpuan dahil maganda at malusog na parang hubad na “Sto. Niño†ang hitsura ng sanggol.
Nang ipaalam ng mga residente sa barangay hall na sumasakop sa lugar, tiningnan lamang umano ng mga barangay tanod at iniwan lang din na posibleng hindi man lamang itinawag sa pulisya.
Nabatid na ang lugar na sinasabing Ulingan sa Vitas, ay ang pagawaan ng uling na patuloy pang idinedemolish ang mga residente na hindi naman natitinag at nanatili sa lugar , sa ilalim ng mga kubol na yari sa sako, lumang tarpaulin plastic, at yero, habang ang kanilang kapaligiran ay nagmistulang maruming disÂyerto.