MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica na hindi sila patitinag sa pananakot at pagbabanta ng mga tricycle driver kasabay ng kaÂnilang pagpapatupad ng color coding scheme dito.
Kamakalawa ay binato si Logica ng bote ng softdrinks ng hindi pa nakikilalang suspek habang nanghuhuli sa Jose Abad Santos sa Tondo Manila.
Ayon kay Logica, inaasahan naman nila na marami ang magaÂgalit sa kanilang ipinaÂtutupad na bagong reÂgulasyon dahil nasanay na ang mga ito sa maÂling sistema.
“Wala naman kaÂming magagawa kundi sundin ang batas at regulasyonâ€, ani LogicaÂ.
Sa ngayon, umaÂabot sa 70 kolorum na tricycle ang naka-impound sa Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO).
Matatandaang umapela si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mga driver at operators ng tricycle na dumaan lamang sa 46 na kalÂsada, isailalim sa color coding at iparehistro ang kanilang mga tricycle para maÂging legal.
Batay sa ordinansa ang district 1 ay blue; district 2, white; district 3, emerald green; district 4 - orange; District 5, yellow at district 6, red. Kulay gray naman sa private tricycles.