MANILA, Philippines - Bilang bahagi pa rin ng pagsasaayos ng daloy ng mga pamÂpublikong sasakÂyan sa lungsod ng Maynila, isinailalim na ng Manila City Hall sa color coding ang mga tricycle.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, kailaÂngan nilang ipatupad ang color coding sa mga tricycle upang malaman kung sino ang mga kolorum na patuloy na bumibiyahe sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na light blue sa district 1; puti sa district 2; emerald green, district 3; orange, district 4; dilaw, disÂÂtrict 5; pula, district 6 habang kulay gray naman sa mga private tricycle.
Sinabi ni Moreno na inaÂtasan niya si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica upang personal na pamahalaan ang registration ng mga tricycle upang matiyak na walang anumang hokus pokus na mangyayari.
Binigyan diin naman ni Logica na nagsimula na rin silang maglagay ng mga tarpaulin sa mga city bounÂdaries at ilang pangunaÂhing kalsada na nagpapa-alala kung saan ipinagbaÂbawal ang pagdaraan ng mga tricycle.
Bunsod nito, sinabi ni Logica na hindi na rin maÂaaring pumasok sa Maynila ang mga tricycle mula Pasay, Makati, Caloocan, NaÂvotas, Malabon, San Juan at Quezon City.
Paliwanag pa ni MorenoÂ, ang pagpaparehistro ng mga tricycle ay proteksiyon ng mga tricycle operators at driver mula sa mga traffic enforcers lalo pa’t doble ang paghihigpit ng local na pamahalaan sa mga nangoÂngotong.
Naniniwala si Moreno na magiging matagumpay ang kanilang kampanya kung makikiisa ang mga operators, drivers at mga pasahero.
Hindi umano inakala ni Moreno na mangunguna sa pagpaparehistro ang PAROÂLAÂTODA na sinasabing may pinakamagulong lugar.
InÂdikasyon lamang ito na naniniwala sila sa adhikain ng pamahalaang lungsod ng Maynila.
Idinagdag pa ng bise alkalde na lumilitaw sa report na ang tricyle at pedicab ang nangunguna sa mga aksidente na may kasong damage to property.