Roxas Blvd. iwasan sa Linggo

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na pansamantalang umiwas sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila dahil sa inaasahang makakaranas ng matinding trapik kaugnay sa gaganaping fun run bukas ng madaling araw (Hunyo 1). Ayon sa MMDA, ang north at south bound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Avenue  hanggang P. Ocampo Street ay isasara sa trapiko bandang alas-2:30 ng madaling araw dahil sa Run United Runrio Trilogy 2  2014 Fun Run. Payo ng MMDA na maghanap ng alternatibong ruta na iwasang dumaan sa mga nasabing lugar sa bahagi ng Maynila.

Show comments