MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kaÂmatayan ang sinapit ng walong babae na manggagawa habang tatlo naman ang sugatan makaraang makulong sa nasunog na dalawang palapag na gusali na ginawang bodega sa Samonte Street, Barangay 47, Pasay City, kahapon ng madaling-araw.
Magkakayakap pa nang matagpuan ang mga namatay na sina Haide Ib-Ib, 24; Lorena Ib-Ib, Maricris Calumba, Renelyn De Baguio, Angelyn Quillano, Floralyn Balucos, 20; Shellalyn Habagat,19; at si Jelsa Saburiga,19, mga tubong bayan ng Tayasan, Negros Occidental.
Naisugod naman sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga sugatang sina Cherylyn Calum, Janice Baja habang si Irene Acuña ay inoobserbahan pa dahil dumaranas ito ng pagdurugo.
Sa inisyal na ulat nina P/Chief Inspector Joey Gofort ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City PNP at F02 Joan Batan ng Pasay City Fire Department, naganap ang sunog sa gusali ng Asian Metrotech bandang alas-12:45 ng madaling-araw kung saan naapula naman dakong alas-3 ng madaling-araw.
Lumilitaw na nasa unang palapag ng bahay at bodega ang mga namatay habang ang iba naman ay nasa ikalawang paÂlapag kung saan ginawang imbakan ng mga gadget tulad ng tablets at DVDs na ipinagbibili.
Ayon sa survivors na sina Michelle Callao, Almira Zuniga, Calum Baja, Dally delos Niños Acuna, at Nikki Torres, nakalanghap sila ng usok mula sa unang paÂlapag na nasusunog kaya mabilis silang umakyat sa bubong ng bodega na pag-aari ni Juanito Go, 68.
Gayon pa man, na-trap ang walong namatay dahil ang pintuan sa unang palapag ay naka-padlock at walang anumang maliit na lagusan para makalabas ng bodega.
Napag-alaman din na tatlong araw sa isang taon nakakapag-day-off ng mga biktima kung saan sinaÂsabing may nauna ng reklamo sa barangay ang katiwala at may-ari dahil wala itong business permit sa neÂgosyo.
Pormal naman kakasuhan si Go habang pinaghahanap naman ang kasosyo nitong isang Tsino na sinasabing ilang beses lamang bumisita sa naÂsabing lugar.