MANILA, Philippines - Muling namahagi si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa 5,000 mahihirap na mag-aaral sa nasabing lungsod ng mga school supplies sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Ang pagbibigay ng mga school supplies na bahagi ng proyektong Child Friendly na kinabibilangan ng mga bags, papel, notebooks at iba pang gamit ng mga estudyante sa pag-aaral.
Nakipagtulungan sa pamamahagi ng mga school supplies ay ang mga lider ng barangay mula sa 142 barangay sa nasabing lungsod.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte, karaniwang naisasagawa ng tanggapan ang pamamahagi ng school supplies kapag magsisimula na ang Hunyo upang mapunan ang kailangang school materials ng mga estudÂyante na wala pang gamit pang-eskuwela dahil sa kahirapan.
Naiulat din na may 50 piling mga kabataang mahihirap ang nai-treat ng Philippine Stewardees Association sa Resorts World Manila bilang pagbibigay ng kasiyahan sa mga ito bago magpasukan.
Nabatid na nakipag-ugnayan kay Vice Mayor Belmonte ang nasabing samahan para pumili ng mga isasama sa proÂyekto ng mga stewardess at isang araw ang mga kabataang itong kasama ng grupo sa nabanggit na lugar noong Miyerkules.