Opisyal ng asosasyon, pinabulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang 44-anyos na opisyal ng jeepney association matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Romualdo Bansag, vice-president ng DAPIDJODA at nakatira sa Block 39, Lot 10 Phase 2 Area 4, Dagat-dagatan, Navotas City.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng  pampasaherong jeepney (PXY398) na minamaneho ng biktima.

Nabatid na nagpanggap na pasahero ang gunmen matapos sumakay ng jeepney kung saan bago bumaba ay pinutukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima pagsapit sa Road 10 pa-north bound sa harap ng Katuparan Village sa nasabing lugar.

Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa posisyon ng biktima sa nasabing asosasyon ang naganap na pamamaslang.

Show comments