Lumpo patay sa sunog

MANILA, Philippines - Isang babaeng lumpo ang iniulat na nasawi sa isang sunog na naganap sa San Juan City kahapon.

Batay sa ulat ng San Juan Police, pasado ala-1:00 ng hapon nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktimang si Remedios Rodriguez Co, ng Blumentritt St. cor. R. Pascual St., Brgy. Batis, San Juan.

Dahil sa hindi nakakalakad ang biktima, hindi na rin nito nagawa pang  makalabas mula sa nasusunog na bahay.

Ayon sa pulisya, smoke suffocation ang ikinamatay ng biktima makaraang ma­kulong sa loob ng kuwarto nito.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog, na umabot lamang ng ikalawang alarma at idinekla­rang fire out dakong alas-2:00 ng hapon.

Show comments