MANILA, Philippines - Ipagbabawal na sa mga susunod na araw ang pagbibiyahe ng mga tricycle at pedicab sa 46 kalye sa lungsod ng Maynila.
Ito naman ang binigyan diin ni Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng pakikipagpulong nito sa mga tricycle operators kasama si Vice Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Estrada, sa ilalim ng bagong regulasyon bawal nang dumaan ang mga tricycle at pedicab alinsunod na rin sa ginagawang pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko sa lungsod.
Paliwanag naman ni Moreno, kaunti lamang ito sa mahigit na 1,000 kalsada na maaaring daanan ng mga tricycle at pedicab. Aniya, maaari namang tumawid ang mga ito.
“Bawal siyang dumaan pero puwedeng tumawid, mabibilis ang mga sasakyan sa 46 kalyeng ito kaya iniisip namin ang kaligtasan ng driver at pasahero,†ani Moreno.
Sa nasabing pagpupulong, kailangan na iparehistro ang mga tricycle at pedicab sa Manila Tricycle Regulatory Office na nasa ilalim ng pamamahala ni MTPB ni Carter Don Logica.
Kabilang sa mga bawal daanan ay ang Roxas Blvd.; Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang Roxas Blvd.); M.H. del Pilar (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Mabini (mula Kalaw hanggang Pablo Ocampo); Pablo Ocampo (mula Taft Ave. hanggang Osmeña Highway); Osmeña Highway; Quirino Ave.; Taft Ave.; Kalaw; U.N. Ave.; San Marcelino (mula Quirino Ave. hanggang Romualdez St.); Pedro Gil (mula Quirino Ave. hanggang Panaderos); Guanzon Ave.; Quirino Ave. Extension; Ayala Blvd.; Padre Faura; Padre Burgos Ave.; Finance Road; Lawton; Arroceros, Antonio Villegas; Ayala Bridge; Quezon Bridge; McArthur Bridge; Jones Bridge; P. Casal St.(mula Ayala Bridge hanggang Mendiola); C.M. Recto (mula Mendiola hanggang Abad Santos); Legarda St.; Ramon Magsaysay Blvd.; V. Mapa St.; Quezon Blvd.; Rizal Ave.;Escolta; Quintin Paredes; Plaza San Lorenzo Ruiz; Jose Abad Santos Ave.; A.H. Lacson Ave.; Tayuman (mula A.H. Lacson hanggang Juan Luna); España; Dapitan; Laon-Laan (mula Alfonso Mendoza hanggang A.H. Lacson Ave.); Dimasalang; Blumentritt (mula Aurora Blvd. hanggang North CeÂmetery); Road 10; G. Tuazon at Adriatico (mula Padre Faura hanggang Quirino Ave.).
Giit ni Moreno, kailangan nila ang tulong at disiplina ng mga operators gayundin ng mga drivers upang maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa ilang panguÂnahing kalsada. Ito rin ang tanging paraan upang mawala ang kolorum sa daan.
Kasama rin sa pulong sina Logica, 3rd District Councilor Let-Let Zarcal, 5th District Councilor Mon Yupangco, at MDTEU chief, Chief Insp. Olive Sagaysay.