MANILA, Philippines - Nagsilbing susi ang closed circuit television (CCTV) camera para maaresto ang isang kawani na responsable sa pagnaÂnakaw ng P.2 milyong cash sa ATM card ni Napolcom Commissioner Alejandro Urro sa isinagawang operasyon sa Makati City kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Benjamin Magalong ang suspect na si Franklin Pagulayan, kawani ng nabangit na ahensya at driver mismo ni Urro.
Bandang alas-11 ng tanghali nang aresÂÂtuhin ng PNP-CIDG operatives ang suspect sa loob mismo ng Napolcom.
Sa tala ng pulisya, dumulog si Urro sa tanggapan ng PNP-CIDG kaugnay sa pagkawala ng kaniyang ATM card na naglalaman ng malaking halaga at pinaniniwalaang ninakaw mismo ng kaniyang driver.
Agad namang inilatag ang imbestigasÂyon ng PNP-CIDG-Anti Fraud Crime Commission Unit sa pamumuno ni P/Senior Supt. Bartolome Bustamante.
Habang sinusuri ang CCTV footage kung saan nairekord ng bangko ang mga withdrawals gamit ang nasabing ATM card ay nakita ang mukha ni Pagulayan kaya nakumpirma ang hinala ni Urro.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nagawang makapag-withdraw ng 50-beses si Pagulayan mula sa ATM card ng kaniyang amo na umabot sa P.2 milyon.
Nabatid na may pagkakataon umano na inuutusan ni Urro ang kaniyang driver na mag-withdraw gamit ang kaniyang ATM card dahil sa tiwala nito pero naghudas ang suspect.