Kinarnap na SUV, narekober

MANILA, Philippines - Narekober ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Presidential Security Group ang kinarnap na SUV ma­tapos abandonahin ng mga karnaper kamakalawa ng gabi sa hangganan ng Maynila at Quezon City.

Nabatid na isang  tricycle driver ang humingi ng tulong  sa mga tauhan ng MTPB-Task Force Bravo  kaugnay sa kinarnap na kulay itim na Toyota Hi-lux (conduction sticker YD 0899)  mula sa driver na si Victorino Igros ng  Sampaloc, Manila.

Agad namang rumes­ponde ang MTPB-Task Force Bravo sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng PSG.

Nagkahabulan sa pagitan ng mga karnaper na lulan ng pick-up at mga awtoridad hanggang sa makarating sa  Cordillera Street ,Quezon City.

Dito na inabandona ng mga karnaper ang kinarnap na Toyota Hi-lux matapos itong sumalpok sa bahagi ng Barangay San Manuel, Quezon City kung saan wala namang nadakip na mga suspek.

Show comments