MANILA, Philippines – Saksak sa leeg, tiyan at likuran ang ikinamatay ng pitong-taong-gulang na babae matapos siyang patayin ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Mark Alvin Manliclic,31, ng M. Aquino St., Barangay Sta. Lucia, Fairview, Quezon City.
Base sa pangunang imbestigasyon, bandang 3:10 ng madaling araw nang katukin ni Manliclic ang kanyang kapit-bahay na si Vilma Villajuan upang amining napatay niya ang kanyang anak.
Kaagad sumugod ang mga kamag-anak at kapit-bahay ng suspek sa bahay ni Manliclic kung saan tumambad sa kanila ang duguang katawan ng batang biktima.
Nasa kustodiya na ng pulis si Manliclic na napag-alamanang iniwan ng kanyang asawa kamakailan lamang.