MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 49-anyos na barangay kagawad matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa bitbit na baril na walang lisensiya habang nagÂlaÂlakad sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Pormal na kinasuhan ni Manila PNP District-station 4, commander P/Supt. Rizalino Padrique ang suspek na si Kagawad Mario Rodrigo .49, may-asawa, ng Barangay 424, Zone 43, at nakatira sa #1721 Lardizabal Extension, Sampaloc, Manila.
Ayon kay Padrique, nakatanggap sila ng impormasÂyon mula sa nagpakilalang residente ng M Dela Fuentes Street kaugnay sa isang lalaking may bitbit na baril.
Inatasan ni Padrique ang mga tauhan na inspeksyunin ang nasabing lugar kung saan naabutan pa ang suspek na hawak ang cal .38 revolver.
Wala namang maipakitang dokumento ang suspek sa bitbit na baril kaya ito inaresto sa paglabag sa illegal possession of firearms (Republic Act 8294).