MANILA, Philippines - Nagwakas ang walong taong pagtatago sa batas ng 52-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing pumatay sa kalaguyo ng kanyang misis matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya kaÂmakalawa ng hapon sa bahay ng kanyang pamangkin sa Leyte Street, Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.
Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Danilo MaÂnalastas ng Malolos Regional Trial Court Branch 7, Bulacan, nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District at Bulacan PNP ang suspek na si Alejandro B. Panopio ng Area-C, Barangay San Martin 1, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Base sa record ng korte, si Panopio na OFW sa Africa ay napilitang umuwi matapos mabalitaang nakikipagÂrelasyon ang kanyang misis sa ibang lalaki na may mga anak din.
Nag-ipon pa ng mga ebiÂdensiya ang suspek kung saan sinubukang ilapit sa kontrobersyal na magkakaÂpatid ang kanyang problema kaugnay sa pangaÂngaÂliwa ng misis subalit hindi naaksyunan dahil sa matinÂding problemang kinakaharap ng magkakapatid na lalaki noong 2006.
Gayon pa man, sinubaybayan ng suspek ang kanyang misis hanggang sa maÂÂaktuhang magkaakbay ang magkalaguyo kaya nagawang saksakin niya ito at mapatay.
Hindi na nakapalag ang suspek matapos makorner ng pangkat nina P/Insp. Michael Ray Bernardo at P/Insp. Edward Samonte.