Mla. city bldg. official, timbog sa entrapment

MANILA, Philippines - Inaresto sa isang entrapment operation ang City Building Official ng Manila City Hall matapos na ireklamo ng dalawang katao na kinabibilangan ng isang architect kahapon ng hapon.

Si Engr. Juan Capu­chino ay dinakip mismo sa kanyang tanggapan sa 3rd floor ng Manila City Hall sa aktong tinatanggap nito ang halagang P50,000 na marked money.

Ang entrapment laban kay Capuchino ay bunsod ng reklamo ng arkitektong si Bryan­ Chester Lim, 32, at isang Cesar Gallardo, 33, hauler.

Ayon kina Lim at Gallardo, dahil ginigipit umano ni Capuchino ang kanilang papeles na ina­asikaso sa City Hall.

Nagkasundo sila ni Capuchino na magbibigay ng nasabing halaga kapalit ng pag-apruba sa kanilang papeles na lingid sa kaalaman ng una ay plinano na ang entrapment.

Show comments