MANILA, Philippines - Itinaas sa P200,000 ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pabuya sa sinumang makakapagturo at magreresulta sa pag-aresto sa tatlong itinuturong gunmen sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga opisyales ng barangay sa lungsod.
Sa ginanap na meeting ng Caloocan City Development Council, sinabi ni Mayor Oscar Malapitan na kailangan nang matuldukan ang paghahasik ng krimen sa mga lokal na opisÂyales at kailangan ang kooperasyon ng publiko para mapigilan ito. Kinilala naman ni Senior Supt. Bernard Tambaoan, hepe ng Caloocan City Police, ang mga pinaghahanap na mga suspek na sina Jervy Reyes, ng Camachile Road, Brgy. Potrero, Malabon; Bong Francisco at Mark Anthony Francisco, kapwa ng Tinajeros, Malabon.
Kilala umano ang mga suspek na mga upahang gunman at meron na ring warrant of arrest sa pagpatay sa isang negosyante sa Malabon City noong Nobyembre 26, 2013 buhat sa Malabon Regional Trial Court.
Sinabi ni Tambaoan na napuwersa silang pangalanan ang mga pinaghahanap na mga suspek upang hindi na maakusahan na walang ginagawa ang pulisya sa sunud-sunod na pagpaslang sa mga opisyales ng barangay.
Kabilang na sa listahan ng mga nasawi sa lungsod ng Caloocan sina: Barangay 178 chairman Felipe Alday noong Agosto 2013; Brgy. 187 kagawad Luisito Banzon, Marso 22; Brgy. 183 chairman Pedro Ramirez, Marso 25; Brgy. 181 kagawad Garry Moralla, Mayo 9; Barangay 44 kagawad Rogelio Escano, Mayo 10; Barangay 174 kagawad Edward Jundayao.
Bukod sa kanila, napaslang rin kamakailan ang dating pulis na si Eduardo Balanay, deputy chief ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM). Una namang nagpanukala si Liga ng Barangay Chairman Along Malapitan na lumikha ang Sangguniang Panglungsod ng isang “ad hoc committee†na tututok sa paglaban sa naturang mga krimen dulot ng riding-in-tandem sa lungsod.