MANILA, Philippines - Isang babae ang sinasaÂbing pinatay sa saksak ng kanÂyang sariling asawa matapos na tanggihan ng una ang giit ng huli na magkabalikan na sila sa Quezon City, kamakalawa.
Si Patricia Andrea Zamora, 30, crew sa isang fastfood ay nasawi matapos na magtamo ng mga saksak sa dibdib at likurang bahagi ng kanyang katawan, ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso.
Ang suspek na tinukoy ng kaanak ng biktima na resÂponsable sa pagpatay ay kiÂniÂlalang si Joseph Divino, 33, massage therapist naninirahan sa Block 3, Lot 23, Champaca St., Brgy. Pasong Putik ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Ayon kay Hernandez, nangÂyari ang insidente sa loob ng isang computer shop na pag-aari ng nasawi sa Block 3, Lot 23, Champaca St., ng nasabing barangay, alas-7 ng gabi.
Sa pagsisiyasat, lumilitaw na April 27, 2014, inireklamo ng biktima ang kanyang asawa sa barangay dahil sa umano’y maÂÂdalas na panaÂnakit sa kanyaÂ. Simula noon, nagdesisyon ang biktima na hiwalayan ang suspek at umalis sa kanilang bahay at manirahan pansamantala sa kaÂniÂlang comÂputer shop.
Nitong May 11, 2014, ganap na alas-7 ng gabi, bago ang insidente, nagpunta ang suspek sa kanyang biyenang babae na si Vivian Atanza na nasa tabi lamang ng computer shop naninirahan at inimbita ang biktima at pamilya nito sa isang dinner bilang parte na rin ng kanyang muling panliligaw sa asawa. Gayunman, tumanggi ang biktima at paÂmilya nito.
Matapos nito, habang ang nanay ng biktima na si Aling Vivian ay busy sa pagluluto ng pagkain sa kanilang bahay ay dumating ang 11-anyos na anak na babae ng biktima at iniabot dito ang isang sulat galing umano sa suspek at sinabing “wala na si Mommy.â€
Dahil dito, agad na nagpunta si Aling Vivian sa computer shop na tinutuluyan ng biktima, pero pagsapit niya dito ay nakasarado ang pinto.
Sa puntong ito, nagpasÂyang humingi ng tulong si Aling Vivian sa barangay opisÂyal sa lugar at puwersaÂhang binuksan ang pinto kung saan tumambad sa kaÂnila ang walang buhay na kaÂtawan ng biktima habang nakahiga at duguan.
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.