60-anyos na Amerikano, nagbaril sa loob ng firing range

MANILA, Philippines - Isang 60-anyos na American national ang nagpakamatay sa loob ng firing range  sa Makati City kahapon ng hapon.

Nahagip pa ng close circuit television (CCTV) camera na nakakabit sa Jethro Firing Range na ang ginawang pagbaril sa sarili ng dayuhang si Jeffrey Allen Klein, tubong California,  alas- 4:12 ng hapon habang kumukuha ng  target paper ang range assistant.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, nakita sa CCTV footage ang ginawang pagkuha umano ng baril ng dayuhan sa baril na nakalagay pa sa kahon at itinutok sa bunganga bago kinalabit ang gatilyo.

Bagama’t nasawi kaagad ang dayuhan, itinawag pa ng pamunuan ng firing range sa Makati Rescue Team ang pangyayari.

Sinabi ni Makati police chief Senior Supt. Manuel Lukban na aalamin nila kung may pananagutan ang pamunuan­ ng firing range sa naturang insidente.

 

Show comments