Opisyal ng Caloocan City hall,dedo sa gun for hire

MANILA, Philippines - Utas ang isang opisyal ng Caloocan City Hall makaraang tambangan ng hinihinalang gun for hire sa bisinidad ng kanyang bahay sa naturang lungsod.

Sa naantalang ulat ng Caloocan City Police, nakilala ang nasawi na si Eduardo Balana, 66, retiradorng pulis, hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management-North.

Sa ulat, abalang naglilinis sa bakanteng lote sa gilid ng kanyang bahay sa may Charlie St., Camarin, si Balana dakong alas-6 ng umaga nang su­mulpot ang nag-iisang salarin at sunud-sunod na paputukan ng baril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspect gamit ang hindi pa mabatid na get-away vehicle­ habang isinugod ng mga ka­anak ang biktima sa pa­gamutan.

Sa presinto, nadiskubre sa photo rouge gallery na ipinakita sa mga saksi na ang gunman ay siya ring itinuturong bumaril at pumatay kay Pedro Ramirez, chairman ng Brgy. 183 noong Marso 25 sa Amparo Subdivision, Quirino Highway.

Patuloy ngayon ang ma­susing imbestigasyon ng pu­lisya upang mabatid ang utak sa likod ng naturang mga pamamaslang sa mga opis­yales ng Caloocan.

Show comments