MANILA, Philippines – Nasunog ang armory ng Philippine Army headquarters sa Taguig City ngayong Miyerkules kung saan 24 katao ang sugatan.
Nagmula ang sunog sa Explosives and Ordnance Division ng Army Support Command, dahilan upang sumabog ang ilang nakaimbak na bala at bomba.
Sugatan ang mga tauhan ng militar dahil sa pagtalsik ng mga shrapnel, ayon sa ulat.
Isinusulat ang balitang ito ay inaapula pa rin ng mga bombero ang sunog.