MANILA, Philippines – Dahil sa siksikan tuwing rush hour sa Metro Railway Transit 3 (MRT) ay iba't ibang paraan na ang ginagawa ng gobyerno upang masolusyunan ito.
Isa sa mga ito ang Articulated Bus ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na sinubukan ngayong Miyerkules na tumakbo mula SM North EDSA hanggang Taft station ng MRT.
Malaki ang naturang bus kumpara sa mga normal na pampasaherong bus dahil kaya nitong magsakay ng 150 katao.
This is the interior of the articulated bus. A single bus can accommodate around 150 passengers at any given time. pic.twitter.com/fRptiaIcOQ
— DOTC (@DOTCPhilippines) May 7, 2014
Mayroon ding closed-circuit television cameras ang articulated bus upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero.
“Sa pakikipagtulungan sa ibang public at private organizations, nais po naming mabigyan ng kalutasan ang inconvenience na nararanasan ng ating mga mananakay habang bumabiyahe patungo sa kanilang mga pinapasukan araw-araw,†pahayag ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez.
“Sa pamamagitan ng articulated bus ay mabibigyan natin ng pansamantalang solusyon ang pagsisiksikan sa MRT stations habang hinihintay natin ang pagdating ng mga bagong tren.â€
Inaasahang darating sa unang bahagi ng 2015 ang mga panibagong tren ng MRT, ayon sa Department of Transportation and Communications.