MANILA, Philippines - Pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kongreso ang House Bill 4111 ni CagaÂyan de Oro Rep. Rufus Rodriguez para patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang lalabag sa election offense.
Sabi ni Rodriguez, ang sino man mapapatunayan nagkasala tulad ng pananakot, pangguÂgulo at pagbabanta ay kailangan bigyan ng mabigat na parusa tulad ng pagkakakulong mula 6 hanggang 12 taon at hindi dapat bigyan din ng probatioÂnary period ang lalabag dito, bibigyan din ng mabigat na parusa ang mga empleado ng Commission on Election, militar at kapulisan kapag lumabag sila sa election code.
Sabi ni Rodriguez, ang mga kasapi sa poliÂtical party na lalabag dito ay pagmumultahin ng P.5 million at papatawan pa sila ng civil liability