2 kalsada sa QC sarado sa May 9 sa INC event

MANILA, Philippines - Sarado sa trapiko ang bahagi ng Roces Avenue at Scout Chuatoco sa lungsod Quezon sa darating na May 9, araw ng Biyernes.

Ito ay bunga ng isasagawang “Lingap-Pamamaha­yag” (Aid to Humanity-Evangelical Mission) ng Iglesia Ni Cristo sa naturang araw.

Ang okasyon ay isang run-up program para sa ika-128th birth anniversary ng founder ng INC na si Ka Felix Manalo.

Bunga nito, ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Department of Public Order and Safety (DPOS) na magsapinal ng isang traffic management plan upang maasistihan ang may 50,000 katao na inaasahang dadalo sa okasyon na  isasagawa sa  Amoranto Sports Complex sa Roxas District para mamahagi ng relief goods , libreng dental/medical services at pagsasagawa ng evangelical mission.

Inatasan din ni Bautista ang DPOS na makipag-ugnayan sa MMDA, QC Police at barangay officials sa lugar para maiwasan ang pagsisikip ng trapiko doon at matagumpay na  maisagawa ang mga aktibidad sa  okasyon.

 â€œBasically, motorists should stay away from Roces Avenue and Scout Chuatoco Street on May 9 to avoid being caught in a traffic gridlock,” dagdag ni Bautista.

 

Show comments