MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kawani ng Manila Electric Company (MERALCO) matapos maÂkuryente, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Kapwa nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang sina Peter Louie Salandanan, 29, 1st class line man, ng Binan, Laguna at Arthur Fernandez, 25, 2nd class line man, ng Bagong Silang, Caloocan City.
Lumalabas sa pagsisiyasat ni SP01 Evaresto SaÂrangeyÂÂÂ, ng Homicide Section, Pasay City Police, naganap ang insidente alas-11:55 ng umaga sa Loraine St., Park Avenue ng naturang siyudad.
Nabatid na habang nakasakay ang dalawa sa isang basket truck at naglalagay ng kable ng kuryente sa isang poste na may 40-palapag nang aksidenteng mapadikit sa isang live high tension wire dahilan upang makuryente ang mga ito hanggang sa nangisay ang nasabing mga biktima.
Dahil sa tinamong degree burn ng mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung kaya’t mabilis na isinugod ang mga ito ng kanilang mga kasamahan sa nabanggit na ospital. Sa ngayon ay inoobserbahan ang mga biktima dahil sa maselang kalagayan ng mga ito at patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang naturang insidente.