MANILA, Philippines - Isang 3rd year college stuÂdent na namamasukang kaÂsambahay ang sinisisi ngayon ng kaniyang amo matapos ibigay sa ‘Dugo-dugo gang’ ang kaniyang vault na naglalaman ng mamahaling alahas at cash na umaabot sa kabuuang haÂlagang P400,000 kamakalawa ng hapon.
Ito’y matapos umanong maÂpaniwala na nakadisgrasya ang kaniyang amo.
Bunsod ng pormal na rekÂlamong inihain ng biktimang si Hydee Ang Santos, 44, ng Legarda St., Sampaloc, Maynila, iniutos kahapon ni Manila Police District-GeneÂral Assignment Section chief, P C/Insp. Dennis Wagas, na magsagawa ng follow-up operation laban sa mga suspek na nagpakilalang isang abugado, isang babae at isang nagpanggap na siya si Hydee Ang Santos, na nagmando sa kasambahay na si April dela Cruz Musngi hinggil sa pinakuhang vault.
Sa imbestigasyon, habang wala sa bahay ang amo, nakatanggap umano ng tawag sa telepono ang kasambahay dakong alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes (Mayo 1) at ayon sa kausap sa kabilang linya, kailangan niyang kunin sa silid ng amo ang vault, isilid sa bag at dalhin sa simbahan sa Navotas City.
Nagawa pa umanong ipaÂÂÂkausap sa kasambahay ang amo at muling ipinasa ang teleÂÂpono sa isa pang nagpakilaÂlang babaeng abuÂgado, na nagsabing nakadisgrasya nga ang amo at kaÂilangan ang malaking halaga para ipambayad sa nasagaÂsaan.
Sa salaysay ng kasambahay, nang ibigay niya ang bag na naglalaman ng vault sa isang babae sa napagkasunduang lugar, hinimok siya na maghintay at babalikan siya sa katabing convenience store sa Navotas City.
Subalit bandang alas-7:00 nainip umano si Musngi kaya umuwi na lamang at nagulat siyang naroon ang amo at hindi totoo ang mga sinabi ng mga suspek.
Dahil sa pangyayari, huÂmingi ng tulong sa Barbosa Police Community Precinct (PCP) ang biktimang si Santos na umasiste sa paghahain ng reklamo sa MPD-GAS.