Tsino huli sa shabu

MANILA, Philippines - Isang Chinese national na itinuturing na most wanted sa bansang China ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makuhanan ng may 30 gramo ng shabu sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni Atty. Jacque­lyn De Guzman, Regional director ng PDEA-NCR ang suspek na si Yi Xin Li, 40, alyas Johhny Go, at nanunuluyan sa Broadview Tower, Mayhalligue St., Sta Cruz, Manila.

Ayon kay De Guzman, si Li ay kabilang sa target personality sa pamama­gitan ng Oplan Chinese Recidivist. Nadakip ang suspek matapos na itim­bre sa kanila ng tanggapan ng PDEA Region 3 ang pagtutulak ng shabu nito sa Maynila.

Sinasabing sa Region 3 pa lamang ay ilang ulit na itong  nadakip, kung kaya nagpasya itong lumipat ng lugar para maka­iwas sa pagkakahuli.

Ganap na alas-12:30 nang isagawa ang buy bust   sa mismong tinutuluyan ng suspect na dito na rin ito nadakip.

Show comments