MANILA, Philippines - Nahuli ng mga elemento ng Quezon City ang dalawang kilabot na drug dealer kung saan nasamsam sa mga ito ang isang kilo ng shabu sa isinagawang buy bust operations sa Project 3 sa lungsod, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Senior Inspector Roberto Razon, ang dalawang nahuling suspek na sina Henry Atillano, 50, at Larex Pepino, kapwa taga Las Piñas ay pinaniniwalaang miyembro ng malaking sindikato ng illegal drugs na nag-ooperate sa Metro Manila.
Sinabi ni Razon na ang street value ng nakumpiskang droga ay nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon.
Anya, bagsak presyo umano ibinebenta ng dalawang at prinesyuhan lamang sa halagang dalawang milyon.
Bukod sa isang kilong shabu, nakuha rin sa mga ito ang limang cellphones, timbangan at isang Honda CRV na ginaÂgamit nila sa operasyon.
Naniniwala rin ang pulisya na ang dalawa ay kabilang sa grupo ng isang drug dealer na naunang nadakip noong Abril 2013 kung saan nasamsam ang may 40 kilo ng ilegal na droga. (Angie dela Cruz)