Dalagita nilasing bago hinalay

MANILA, Philippines - Arestado ang isa sa tatlong lalaki na itinuturong hu­ma­lay sa isang dalagita matapos na lasingin, kamaka­lawa ng madaling-araw sa Navotas City.

Nakilala ang nadakip na si Jeanno Faborada, 19, habang nakatakas ang mga kasamang sina Mark Anthony Mena, ng Monroy St., at Choy Sibugan ng Estrella St., pawang ng Navotas West.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Mary Jane, nakipag-inuman siya sa tatlong suspek sa isang bahay sa may Tabing Dagat, Monroy Street.

Nang malasing dakong alas-3 ng madaling-araw nitong Abril 24, naramdaman na lamang umano niya na hinahalay na siya ng mga nakainuman ngunit hindi na siya makapanlaban dahil sa labis na kalasingan.

Umaga na nang makauwi siya sa kanilang bahay at agad na nagsumbong sa kanyang magulang na siyang humingi ng saklolo sa pulisya. 

Nadakip sa ikinasang operasyon si Mena habang pi­naghahanap pa ang dalawang kasapakat.

Show comments