MANILA, Philippines - Tatlong sunog ang sumiklab sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan, MaÂlabon at Maynila kung saan isa ang namatay habang 10 ang nasugatan at isa ang nawawala.
Si alyas Ricky, 46-anyos, ng BMBA Compound, 2nd Ave. Caloocan ay naÂmatay sa sunog habang nagtamo ng 2nd degree burns sina Bgy. ChairÂman Antonio Duran, ng Brgy. 120; Cristina Navarro; Allan Pineda, at Lea Chua na nahirapang makahinga nang magsimula ang sunog dakong alas-5:25 kamakaÂlawa ng hapon. Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jojo Esperida na mabilis na kumalat dahil pawang yari sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Umabot sa general alarm ang sunog makaraang mahirapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar sanhi ng masisikip na mga eskinita. Dakong alas-2:50 na ng madaling araw nang magdeklara ang BFP ng fire under control. Aabot sa 500 kabahayan ang natupok habang nasa higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan kung saan P3 milyon ang ari-ariang nasira.
Samantala, hinahanap naman si Elizabeth Villegas, isang paralitiko, makaraang mawala sa kasagsagan ng sunog na sumiklab dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon sa may Palmario Pilapil St., Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod habang isinugod naman sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng 2nd degree burns sina Virginia Baldebiso, 66; mister na si Domingo, 67; paso sa likod naman ang inaÂbot ni Antonio Sidayon, 76, at kaanak na si Janno Criss Baldebiso, 22; nagtamo naman ng paso sa ibabang bahagi ng katawan sina Servino Tremposa, 70; habang bahagyang naÂkuryente naman si Rinty Marquez, 19.
Alas-11:30 naman ng tanghali kahapon nang magsimula ang sunog sa tindahan ng second-hand refrigerators sa Roberto Oca St. (dating Aduana St.), sa Port Area.
Ayon kay Fire Inspector Generoso Juico, ang sub-station commander ng ArroÂceros Fire Station, mula sa shop ng isang kinilala sa paÂngalang Rashid ay gumapang ang apoy hanggang sa mga kalapit na establishment sa pagitan ng Philippine Red Cross (PRC) annex at Manila Police District Traffic Enforcement Unit.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na ganap na nakontrol alas-12:19 ng tanghali.
Nabatid na may naputol umanong wire sa pinagkukumpunihan ng mga second- hand refrigerators kung saan nahulog umano sa lona kaya nagkasunog.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.