Mason ipit ang ulo sa elevator, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na mason matapos maipit ang ulo nito sa alimak elevator sa Makati City kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati (OSMAK) ang biktimang si Fernando Lapis, ng J.B. Roxas St., Brgy. Olympia ng naturang lungsod.

Base sa report na natanggap ni Police Chief Inspector Reycon Gardoque, hepe ng Station Investigation Division (SID), Makati City Police, naganap ang insidente alas-11:00 ng umaga sa loob ng Jazz Residences  na mata­tagpuan sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air ng naturang lungsod habang naglalagay ng semento ang biktima para sa finishing ng  concrete wall ng naturang gusali  nang biglang bumukas ang naturang alimak elevator dahilan upang maipit ang ulo ng biktima at  kinakailangan pang tanggalin ang pintuan ng elevator ng mga kasamahan nito upang maialis sa pakakaipit ang una.

Matapos matanggal ang biktima sa pagkaipit ay mabilis itong isinugod sa naturang ospital,  subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at inaalam na rin kung may pagkukulang sa safety measure ang pamunuan ng naturang gusali at contractor nito.

Show comments