MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na ginang ang nasawi kasama ang walong buwan na ipinagbubuntis nang pagsaÂsaksakin ng isang ex-convict sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.
Namatay habang ginaÂgamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si RoÂchelle Bautista, ng Lacson St., Velasquez, Tondo, Manila sanhi ng saksak sa ibaba ng dibdib at likurang bahagi ng katawan. Itinuturo namang suspek ang isang Rolito MoÂrallos, 32, ng Sta. Catalina St., Tondo na tumakas dala ang ginamit na patalim.
Sa report ni Det. Michael Maraggun ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maÂganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.
Ayon kay Jocelyn Pascual, 37, kapitbahay ng biktima, nagpapahinga siya sa kanilang bahay nang nakarinig ng sunud-sunod na sigaw kaya pinuntahan niya kung saan nakitang pinagsasaksak ng suspek ang biktima kaya sinigawan niya itong “Oleng, tama na yan†saka tumigil ang suspek at tumakas sa direksiyon ng Sta Catalina dala ang ginamit na patalim.
Isinugod naman ang biktima sa ospital subalit namatay dakong alas-10:00 ng umaga .
Ayon kay Maraggun, droga ang tinitingnang moÂtibo sa pagpatay sa biktima dahil may nakuha sa loob ng bra nito ng dalawang piraso ng hinihinalang shabu.
Inamin din ni Pascual na may illegal na gawain ang biktima subalit ayaw naman niyang kumpirmahin kung nagbebenta o gumagamit ito ng ilegal na droga. Aniya, naipasa lang sa biktima ng kanyang dating asawa ang gawaing ilegal matapos na mapatay din ang lalaki dahil din sa droga.
Samantala, ayon naman kay Maraggun, apat na taon nang nakulong ang suspek sa National Bilibid Prison (NBP) sa kasong assault upon person of authority at frustrated murder kung saan nakalabas lamang ito noong January 14, 2014.