LRT, walang biyahe mula Abril 17-20

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang magiging schedule ng LRT Lines 1 at 2 ngayong Mahal na Araw.’

Ayon sa LRTA, pansamantala muna nilang ititigil ang kanilang biyahe mula Abril 17 (Huwebes Santo) hanggang Abril 20 (Linggo ng Pagkabuhay).

Ito’y upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng main­tenance sa sistema ng LRT Lines 1 at 2, na taunang isinasagawa upang matiyak na maayos pa ang kondisyon ng mga tren at riles nito.

Sa Miyerkules Santo naman, Abril 16, ay hanggang alas-8:00 lamang ng gabi bibiyahe ang mga huling tren ng LRT Line 1 mula sa Baclaran at Roosevelt Stations.

Ang huling biyahe naman ng LRT Line 2 mula sa Santolan ay aalis ng alas-8:00 ng gabi habang alas-8:30 naman ng gabi aalis ang huling biyahe nito mula sa Recto Station.

Sinabi ng LRTA na magbabalik ang normal na operasyon ng kanilang mga tren ganap na alas-5:00 ng madaling-araw sa Abril 21.

Show comments