Rollback sa petrolyo

MANILA, Philippines - Magpapatupad ngayong araw na ito ng rollback sa presyo ng kanilang pet­rolyo ang ilang kompanya ng langis.

Kaninang ala-1:00 ng madaling-araw, epektibong  ipinatupad ng Pilipinas Shell ang bawas-presyo sa kanilang mga produkto na nasa 15 sentimos sa kada litro ng gasolina, 30 sentimos sa kerosene at  35 sentimos sa kada litro ng krudo.

Inaasahan na susunod na rin sa kahalintulad na halaga ang Petron Corporation at Total Philippines kung pagbabatayan ang mga nakaraang presyuhan sa lokal na merkado, bagamat hindi pa nagpapahayag ng rollback ang mga ito.

Ang panibagong pagpa­patupad aniya ng rollback ay dahil sa paggalaw ng presyo sa world market.

 

Show comments