Veterans libre sakay sa LRT

MANILA, Philippines - Magbibigay ng isang linggong libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 para sa mga bete­rano ng digmaan bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Veterans Week.

Sinabi ni LRT Autho­rity Spokesman Hernando Cabrera­ na magbibigay sila ng maghapong libreng sakay mula Abril 6 hanggang Abril 11 upang ipakita ang pagkilala sa mga kontribusyon ng mga beterano sa nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig.

Ngunit ipinaalala ni Cab­rera sa mga beterano na kailangan munang ipakita ang kanilang identification card buhat sa Philippine Veterans Affairs Office upang makalibre sa biyahe.

Ang LRT Line 1 ay tumatakbo buhat sa Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Pasay, habang ang Line 2 ay mula Recto Station sa Manila hanggang Santolan Station sa Marikina City.

 

Show comments