MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang kapwa patay, kabilang ang isang empleyado ng Department of Energy (DOE) matapos na masagasaan ng tren sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.
Ang unang insidente ay naganap dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi habang naglalakad sa tabi ng riles sa bahagi ng Pres. Quirino Ave. sa Paco, Maynila ang biktimang si Ricardo Balanque, 47, ng Macopa St., Kahilum 1, Pandacan, Maynila nang mahagip ng tren at masagasaan.
Samantala, ang ikaÂlaÂwang insidente naman ay naganap alas-8:30 ng umaga sa G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila.
Tumatawid umano si Jordan de Jesus, 21, emÂpleyado ng DOE at residente ng Valdez St., Sampaloc, Maynila sa riles na hindi naman umano dapat tawiran ng tao nang abutan ng magkasalubong na tren.
Sa ulat ni SPO2 Rey Fernandez ng MTEU, nagkagutay-gutay at hiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ni De Jesus at hindi na makilala ang hitsura.