MANILA, Philippines - Isinilid sa isang balikbayan box ang isa sa daÂlawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, kahapon ng maÂdaling-araw.
Batay sa report ng MPD- Homicide Section (MPD) hatinggabi unang nakita ang isang kahon sa Bambang, Sta.Cruz, Maynila dakong alas- 3:30 ng madaling araw.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may taas na 5’8’’, nakasuot ng kulay puting t-shirt na may marking “Texasâ€, itim na brief, miyembro ng Commando gang at tadtad ng tattoo sa katawan.
Sa report ni P02 Dennis Turla ng MPD-Homicide, Inakala umano ng mga nakakita na basura ang laman nito kaya binuksan nila ngunit tumambad sa kanila ang katawan ng isang tao.
Habang ang pangalawang kahon naman ay nakita sa may Roxas Blvd., Service Road sa kanto ng Quirino AveÂnue, Malate, Manila pasado alas-4 ng madaling-araw.
Inilarawan ito sa edad na 25-30, may taas na 5’5’’, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay gray na polo, itim na brief at walang sapin sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, walong saksak ang ibinaon sa katawan ng biktima. Ang mga bangkay ay kapwa nagtamo ng maÂraming saksak sa katawan ang mga biktima.
Samantala, sa Quezon City natagpuan din ang isa pang biktima ng salvage, kahapon ng madalin- araw.
Ayon kay PO2 Jaime de Jesus, imbestigador, walang nakitang pagkakakilanlan sa biktima maliban sa suot nitong puting-t-shirt at itim na short pants, nasa pagitan ng edad 20-25, payat, at may tattoo na “Commando†at “Do or Die†sa likuran; “G Bone†sa kaliwang balikat; tatlong bituin at buwan sa may kanang balikat; Rosary sa kaliwang kamay; “Adrian†sa kanang braso; at “Joy at Teng†sa kanang hita.
Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo na siyang agad na ikinamatay nito. May nakuha ding isang piraso ng papel na may nakaÂsulat na “Pusher Ako†sa gilid ng katawan ng biktima.